Breastfeeding Journey (Filipino Version)


As a First Time Mom, wala akong ideya sa tamang pamamaraan ng pag-bebreastfeed. Hindi ko ito masyado napaghandaan. Ang nasa isip ko lang noon ay madali lang ito. Ilapit lang ang breast kay baby at mag lalatch nalang sya. Mali pala, hindi pala ganoon kadali. May mga tamang proseso pala para maging successful ang ating breastfeeding journey.

Ang due date ko ay April 25, 2019, Thursday, feeling ko handa na ko lahat. Hindi pala. Hindi ako naging handa sa pag-bebreastfeed. Alas onse na ng umaga na kami ni mister nakadating ng emergency for scheduled induce. From 12noon until 9PM, No Pain and NO Discharge at hindi nag open ang cervix ng Momshie niyo. So my OB, me and my husband already decided to go for an emergency Cesarean. Hindi naman ako masyado kinabahan, kase excited yung nangingibabaw sa akin. 10 PM, my bunso has arrived.

Dinala na ko sa recovery room at sobrang nanginginig ako sa lamig dahil sa epekto ng Anesthesia. Sa recovery room nagsimula ang aming Breastfeeding Journey ni baby Faria. Sobrang swerte ko sa hospital na ito kase advocacy talaga nila ang breastfeeding. Habang nasa recovery room ako. halos from time to time dinadali sakin ni Nurse si Faria para mag latch saken. I'm so kilig. Naramdaman ko ang pagiging Nanay. Eto na yun. Very good si Faria kase good latching daw sya as per nurse.

Around 2AM ng Friday, dinala na ko sa room namin. Si baby Faria sumunod around 4 AM. Pagdating niya sobrang saya ko. Yung puso ko nag sa-sommersault sa sobrang galak. She's our joy. 😂

Excited ako laging i-latch sya sakin kase feel na feel ko ang pagka NANAY ko sa kanya. Latch ang aming unang bonding. Tapos si tatay niya ang taga-burp. It all went very well. I ask a friend of mine who is exclusively breastfeeding for some helpful tips. May mga tamang pag latch pala si baby. I watch videos from youtube and she asked me to join a support group BREASTFEEDING PINAY in Facebook. Buti mga ilang oras lang inantay ko inaaccept nila agad ako.

Marami akong nakuhang Tips pero sobrang too late na yata ko kase nung Sabado mga after lunch nakakaramdam na ko ng kakaiba sa nips ko. Sobrang sakit na sa twing nag lalatch si baby. Sinusunod ko na yung mga tips na napanood ko pero too late masakit na sya. Pero tiniis ko yun para kay baby, latch pa din sya ng latch kahit mangiyak-ngiyak na ko at bumabaluktot na yung mga paa ko sa sobrang sakit, sabayan pa ng sakit ng tahi. Fyi, ECS po ako. Tipong hindi ko na maramdaman yung sakit nung tahi. Tanging yung sakit sa nips nalang while Faria is latching. Pansin ko din kase parang walang nalabas na milk saken, pero as per pedia as long as nagpu-poop si LO, meron daw yun nakukuha. Kaya tuloy ang laban.

I would highly recommend sa mga First Time Mom na katulad ko na before kayo manganak magjoin kayo ng mga lactation seminar or mag hire ng lactation consultant para maging PURE BREASTFEED si baby nio. Promise. It would really help. I'm just sad hindi ko sya nagawa. :(

Moving forward, at around 1 o'clock in the morning ng Sunday. nakaupo ako sa bed para i latch si baby. Guess what, umiiyak na ko. Yes. Naaawa ako kay baby kase feeling ko wala siyang nakukuhang gatas sakin kase iyak sya ng iyak at naaawa din ako sa sarili ko kase, eto na, dumudugo na pareho kong nips. Sobra na kong umiiyak talaga. I ask my husband na pumunta na sa nurse station para itext si Pedia about my situation at humihingi na ko ng FM. I know. My bad. Pero hindi na kaya ng PAIN TOLERANCE ko yung sakit lalo na ang awa kay baby. While my husband is rushing to Mercury Drug Store. I humbly ask favor from my room mate na kung pwedeng i-latch si baby sa kanya kase sobrang naawa na ko kay baby kase iyak sya ng iyak. I am so thankful na before makabalik si hubby sa room, napatulog ko na si baby. Kampante na ko na bago magising si baby eh may milk na syang back up. Binili ng tatay nya ay similac tummy care as per pedia's advice.

Sobrang in pain pa din ang nips ko at maga sya. Sunday afternoon, nakauwi na kami ng bahay. Ayaw ko pa i palatch kay baby kase pinapa-heal ko muna yung sugat both sides. Natakot naman kase kong malatch niya ang mga dugo. Umorder na din ako ng Organic Nipple Cream sa shopee. Around 6PM, nag clean up na ko ng katawan and all. Napansin kong may tumutulo na ding milk sakin. Pero sugat pa din ito. Gusto ko sana pagalingin muna, bago ko ulit ipalatch kay baby.

TIP : Wag ako tutularan. Best way is unlimited latch si baby to produce more milk.

Nang gumaling na sya, sinimulan ko na syang i-latch sakin. Napansin kong nakukulangan na sya sakin. So pag humihiyaw na sya sa iyak at gutom. Pinagtitimpla ko na agad sya ng Formula. Nakakasad kase nasanay sya sa Formula Milk na gusto lagi instant ang pagkabusog.

Habang nasa group ako ng BFP. Madami akong natutunan na i-unli latch si baby. Ginawa ko yun. hanggang sa naging MIX FEEDING kami ni baby kase nasanay na sya sa formula milk. Pero masaya pa din naman ako kase UNTIL now, hinahanap pa din nya ako at ang boobie ko. I am exclusively breastfeeding her at night while mix feeding in the day. I am still doing UNLI LATCH  hoping na dumami pa din ang MILK ko.Yes malakas ang Faith ko.

She is currently 4 months going 5 months on September 25th. I am still loving our bonding together, ang mag latch sya sakin.

Para sa mga First Time Mom and Future Mommies out there. I highly suggest na keep breastfeeding your child. Sobrang helpful. Madaming benefits yan saiyo at lalo na kay baby.

Here are some benefits ng pag Exclusive Breastfeeding sa ating mga little one.

  • Nagbibigay ng  nutrients na tumutulong sa paglaki ng iyong baby
  • Nagbibigay proteksyon sa iyong baby upang hindi siya kapitan ng mga sakit katulad ng allergy, hika, impeksyon sa tenga, pagtatae o diabetes
  • Tumutulong sa brain development ng iyong baby
  • Tumutulong sa pagpapanatili ng tamang timbang ng iyong baby
  • Katulong ng sa pagbuo ng antibodies ng iyong baby
  • Nagpapababa sa posibilidad ng SIDS (sudden infant death syndrome) at malnutrition
May share pa ko sainyo, may nabasa din kase ko sa Pinterest na Breastmilk Changes. So eto sya;

Birth : Colostrum provides immunizes and protects gut.

6 Weeks : Breast milk has it's highest concentration of antibodies.

3 Months : Breast milk is full of calories to bulk up for upcoming milestones.

6 Months : Breast milk is high in omega acids essential for brain development.

12 Months+ :  Breast milk is high in calories and omega acids for muscle growth and brain development.

See how our breast milk does the magic and works wonder. That is our Golden Liquid for our little one.

Keep on latching and pumping Mommas! <3

As a working mom din pala, bumalik na ko from Maternity Leave nung 3 months na si LO. So nagpupump ako sa Office para masustain pa din yung supply ng milk ko. So that's it.

Happy latching sa mga little one natin.



Comments

Post a Comment