Baby Shopping Guide : First to Three Months
Hello WonderJoys! Welcome to my first blog entry. Para sa paunang entry ng taon gusto kong i-share sa inyo ngayon ay kung paano at ano ang mga gamit ang binili ko before my baby arrives. Yung moment na nalaman kong preggy ako, sobrang JOY yung naramdaman ko, kase eto yung pinagpe-pray ko talaga kay Lord kase di na tayo bumabata.(haha) As a First Time Mom (FTM), I am so overwhelmed sa mga Newborn Checklist ko. Tipong gusto kong bilhin lahat para kay baby. Pero may mga bagay kase na di naman din masyado kailangan si baby. Mag focus tayo sa mga pangunahing bagay na kailangan talaga nila. I will list down below kung ano yung mga nabili at naipon kong mga gamit para kay baby bago sya lumabas. Isasama ko na din yung mga ilang bagay na binili ko within the first 3 months na hindi ko agad nabili beforehand kase pwede naman sya bilhin after lumabas si baby.
Newborn Checklist (uncategorized)
- mittens
- booties
- bonnet
- onesies
- baby blanket
- receiving blanket (Pranela)
- white pants
- white shorts
- white sleeveless tie
- white shirtsleeves tie
- white long sleeves tie
TIPS : Sa pag bili ng mga barubaruan ni baby. Konti lang bilhin nio ng pang newborn, then the rest yung medyo malaki na kase sobrang bilis lumaki ni baby.) - burp rags
- bigkis (Hindi na ito allowed saatin, kase mas adviced ng pedia na makahinga yung pusod ng baby at may mga case kase na sobrang mahigpit ang pagkabigkis naiipit ang tyan ni baby)
Tips sa Pusod: lagi nio lang alagaan sa alcohol ang pusod ni baby. As in palagi. At wag babasain ang pusod habang pinapaliguan. (that's the time na nagagamit ko na ang bigkis pangtakip sa pusod. Wag nio lang masyadong hihigpitan ang pagkakatali. - lampin
- frog suit
- bib
- crib ( Bumili ako ng secondhand na crib with foam na. Sobrang lucky ko kase nakahanap ako sa Facebook Marketplace sa halagang Php3,500 lamang. Sobrang ganda nia pa na parang hindi 5 years tumagal sa may ari. From the orginal price of almost Php22,000. Sobrang classic at ang bigat ) 😆
- crib sheets
- pacifier (Hindi ito umepek sa anak ko, ayaw nia, alam niang wala syang nakukuhang gatas)
- bottle (I was planning na EBF ko si baby kaso i ended up Mix Feeding her (Separate Blog Soon)
- tong
- bath tub
- baby tabo
- small basin
- hair brush
- finger nail clippers (May set akong nabili na nail cutters, hair brush and all)
- baby bath wash & shampoo (cetaphil)
- alcohol (Bumili ako ng dalawangklase ng alcohol, 70% at 40%
- cottons
- cotton buds
- petroleum jelly (Honestly di ko pa ito nagagamit sa kanya.)
- wipes (This will save your life! be extra careful sa pagbili ha? I recommend yung Giggles Baby Wipes, walang matapang na ingredients.)
- rubber mat
- newborn diaper (I was so lucky nagkaroon ng Baby Fair ang Lazada. I bought Pampers 3 packs sa murang halaga. Luckily never nagkadiaper rash si baby)
- bath towel
- mosquito net
- fabric conditioner (Nakabili din ako sa Lazada, Buy1 Take 1 Enfant ang brand)
- detergent soap (I suggest perla bar. It's Hypoallergenic )
- liquid soap for washing bottles (As usual sa Lazada din ako nakabli kase may Baby Fair)
- lamp night (On my baby's first 3 months pure lights on kami. As a FTM kase gusto ko maging extra vigilant habang natutulog si baby)
- nipple cream (May nabili ako sa shopee na effective sakin at mura pa: Organic Nipple Care and Rescue Balm)
- napkin (After giving birth)
- Kool Fever (Para sa injection nya ng Penta na nakakalagnat 3x)
- manual breast pump (Sobrang mura ko ito nakuha sa Lazada. Here's the link: Manual Massage Breast Pump )
- VCO (Virgin Coconut Oil (This is optional for you Mommy, i put a little of this after mag change ng diaper si baby. Hubby ko ang nag suggest nito. Infairness naman. Hindi sya nagkakarashes at makinis ang bumbum ng baby girl namin.Pls ask your pedia muna din before putting anything to your baby)
I hope this blog helps you mga Future Mommies. Napakasarap ng feeling pag lumabas na ang baby mo and of course enjoy your pregnancy pa din. ☺
-
If gusto mo ng format ng Newborn Checklist ko. You can drop a message below and I will send you one for free 😉

Comments
Post a Comment