Yung araw ding yun, nag search na ko gamit ang bestfriend ko na si "Mr. Know It All" Google! Naghanap ako ng mga site na pwede kong applyan thru online. Nahanap ko si Upwork, Onlinejobsph at Freelancer. Lahat sila ginawan ko ng aking account, walang patumpik tumpik. Wala ko ideya kung ano dapat kong applyan basta ang nasa isip ko ay magkaroon din ako ng employer o client na maghihire saken bilang isang part time Virtual Assistant.
Ginawa ko lang sya within a week at sumuko na agad ako kase walang nagrereply sa mga proposal ko, as I can remember April 2017 ito lahat nangyari (kase ba naman hindi ako prepared that time, totally I have no idea at all sa mga pinag gagawa ko) basta ang nasa isip ko lang, I will try to get a client kahit alam kong zero skills ako except sa isa kong HR Officer practitioner wherein kaya ko sila bigyan ng service like recruitment services at sa pagbuo ng mga SOP or documentation para sa business nila.
I continued being a huwarang empleyado. Then 2018 came, around September, while browsing sa facebook ko, may mga nakikita na kong sponsored posts and ads about freelancing. Na-enganyo na naman ang momshie nio at binuhay kong muli ang aking mga profile accounts sa Upwork, Onlinejobsph at Freelancer. Todo pasa ako ng mga bids and proposal and lucky may nag hire sa akin from Freelancer! Yes sobrang sayo ko non, tinaggap ko yung trabaho which is fixed project naman sya (Dropshipping), pinagpaguran ko ng dalawang gabi yun kase kailangan na ng client ko ang mga files agad agad. Nung sinend ko na ang file sa kanya, sinabi nia saken na isesend na daw nga ang payment, $250 yun! Laki diba? Dumating ang kinabukasan, nag antay ako ng bayad nia hanggang inabot ako ng isang linggo! Wala na syang paramdam saken. Guys, na-scam ako! Tama ka! May ganyan din sa mundo ng freelancing. Oops disclaimer muna tayo. I am not here to discouraged you pero I'm here to remind you na be always vigilant din sa pag pili ng mga client. So ayun na nga, sa Freelancer kase mejo madaming scammer. (Narinig ko din after kong magrant sa Facebook Support Group) Nai-report ko naman sya sa support at naibalik din yung fund ko. Imagine, ako na nag trabaho ako pa nakuhanan ng fee (ito yung parang fee mo sa freelancer kase nagkaroon ka ng client). I was lucky kase narefund naman sya pero yung pagod at puyat ko hindi na maibabalik yun. Nang dahil sa nagyari saken, nawalan ako ng gana na maghanap ulit ng client for like mga 5 weeks yata yun.
While waiting to move on, nag search ako sa Facebook ng mga support group na alam kong may kakapulutan akong aral. Luckily, I found Filipina Homebased Mom, sobrang dami kong natutunan dito. From making an awesome resume and cover letter. Iba na pala ang style nito compared sa pag nag aaply ka sa mga private company. I will also share to you all some tips on how to work from home on a separate blog for beginners. So ayun na nga, bumangon muli ang momsh nio to get a client, I did some research at nagbasa ng mga inspiring stories from the support group and that keeps me pump na mag apply everyday kahit walang nag rerespond sa mga proposal ko. Sa gabi, bago din ako matulog magbo-browse muna ko sa mga support group sa facebook para mag basa ng mga nakakainspire na success stories about freelancing / working from home. Isa rin kase sa naging inspirasyon ko noon ay ang baby ko sa sinapupunan. Gusto kong maging full time mom and of course working pa din pero sa bahay nalang.
October 2018, may nagtiwala saakin, at nagtiwala din ako sa kanya kase alam mo naman pinag daanan ko, naloko sa simula, pareho kaming nagtiwala sa isa't isa. Na hire ako bilang isang project manager, Gabi ang oras ng trabaho ko, kung maalala mo, nagtatrabaho pa din ako sa araw sa isang pribadong kumpanya, oo pinagsabay ko sila at sa tinagal hindi ko kinaya ang pagod at puyat kasabay ng pagbubuntis ko. December 2018, binigyan na ako ng separation ng client ko which is sobrang grateful ko kase sa loob ng ilang buwan lamang, binigyan nia pa ako ng separation pay (para na ding pa christmas bonus hahaha). Moving forward, nanganak ako April 2019. Sa loob ng 3 months vacation ko parang ayoko nang bumalik sa trabaho ko, gusto ko dito nalang ako sa bahay kasama ng baby ko. Pero hindi pwede kase kailangan makatulong din ako sa mga gastusin sa bahay.
Bumalik akong muli sa trabaho August 2019. Lagi kong namimiss ang baby ko. Sino ba namang nanay ang hindi diba? October 2019 nagsimula muli akong maghanap ng clients sa Upwork at Onlinejobs (hindi na sa freelancer, nadala na ko) Araw araw inuubos ko ang 10 slots sa onlinejobsph para mag-padala ng proposal. Hanggang sa may mga nakukuha na kong interviews pero I always failed. Siguro mga naka lima kong interview pero puro failed. Nakakasawa at nakakawalang gana. Lagi ako nagpepray na sana magkaroon na ko ng trabaho kase gusto ko na talagang mag work from home.
I study, pray, and never stop working and believing na makakaya ko ito. I improved my resume, cover letter and pitch every time na mag-aaply ako. Finally may nagbigay saken ng tiwala, at doon na nagsimula ang Work From Home Journey ko. I was so blessed na kahit na may dumating na Pandemic ngayong 2020 ay may client pa din ako at tuloy tuloy lang ang blessing. SUPER HAPPY ako sa naging desisyon ko. God is really good!
I hope na-inspire kita sa story ko kung paano ako nagsimula, nabigo, bumangon at nagtagumpay! Tibayan mo lang palagi ang loob mo pag may mga interviews ka, aminado ako hindi ako fluent sa english, pero trinatry ko lagi mag-improve, manood ka ng mga english movies. Tapos pag may interview ka at nag fail ito wag kang malungkot, isipin mo nakapag practice ka pa mag english at magiging aral ito sayo para lalong mas improve ka on your next interview. Basta wag kang susuko, continue to learn everyday and never never never ever give up on your dreams!
Salamat at nakaabot ka sa pagbabasa hanggang dito, tara chikahan tayo?
See you on my next blog! 👋

This is so inspiring Momshie. Grabe may scam din pala sa ganito, nagtrabaho ka ng maayos tapos thank you lang pala. Anyway, stepping stone mo daw yun to be better and wiser. Goodluck on your new journey. God Bless
ReplyDelete