My Staple Bag (Filipino Version)


Before my maternity ends I'm thinking of buying a staple bag for my work and everyday use na din. As I was browsing Minimalist Group Page in Facebook, nakita ko yung isang member nagcomment and posted a picture of her bag na super minimalist ang peg. The brand is ALT MANILA. Sinearch ko yung Alt Manila sa Facebook at nag browse ako for a week. Na-torn ako sa kung anong klaseng bag ang bibilhin ko between MADRID and TOKYO.

Oo, halos gabi gabi at araw araw kong pinagninilayan yang dalawang yan bago ako umorder kung ano talaga ang magugustuhan ko. Lagi ako nagbobrowse ng page nila! hahaha Sabi ko sa mister ko, yung bag ng Alt Manila nalang ang iregalo niya sakin sa Wedding Anniversary namin. Kahit dalawang bag lang from Alt Manila, wag na mag ANELLO (eto kase balak niang ibigay saken).

So dumagdag pa ang isang Linggo, wala pa din ako maisip kung ano talaga ang kukunin ko. Matatapos na naman ang buong linggo at aabutin na ko ng due date ng pagbalik ko sa trabaho. Sa sobrang pag-aantay ko biglang nag release ang Alt Manila ng bagong design! And napaWOW ako kase mukang ito na yung gusto ko. And that's the item LONDON. Yes! Finally makakapag add to cart na ko. Pero bago yun, pre-order pa lang kase yung London, meaning matagal pa siyang madedeliver, I decided na bilhin na din yung Tokyo (which is already on-hand) para may magamit naman akong something new pag balik ko sa trabaho ko.

Eventually, I ordered Tokyo and London (mini). Tokyo was delivered the day before ako bumalik ng work. Nung dumating yung bag ko dali dali ko na syang binuksan at inayos para magamit na kinabuksan sa pagpasok ko sa trabaho.

During that time pa naman na unang ginamit ko sya eh tag-bagyo! Nasubok ng panahon ang tibay ng Tokyo ko. Hindi naman ako nabigo kase water proof sya and super sturdy. Kahit standing ako sa bus pag uwi, nakikipag sabayan sya saken sa pag hawi ng mga tao sa bus hahaha. Ganun katibay.

After ilang buwan, finally dumating na ang new design ng ALT Manila. I was very excited when I got home. Went straight to my room agad agad kase andon na yung package ko! And napa-WOW na naman ang momshibels nio. It is super classy and looks awesome! It can go anywhere and anytime! Mas marami itong features, like you can wear this in 4 different ways, long and short shoulder bag, backpack, tote and crossbody.

You can check their website here.

Comments